Because Masarap is Personal

Because Masarap is Personal

Isa na yata sa pinakamaselan na gawin ay magbigay ng review. Madalas akong natatanong kung masarap ba yung food. To be honest, may mga napupuntahan akong hindi ko talaga type yung pagkain. Pipilitin kong pumili ng pinaka-okay sa akin from their menu pero most of the time pag hindi ko talaga nagustuhan, hindi ko na lang sya pinopost. Pag nasarapan ako sa pagkain, madidinig mo sya sa akin at siguradong kasama sa posts ko. Pero believer ako na ang masarap ay subjective. Yung masarap sa akin, pwedeng hindi masarap sayo. 

During events, pansin na din yung difference ng preferences ng bawat isa sa kasama ko. Gusto ko yung puto bumbong na walang condensed milk samantalang may naghahanap ng condensed milk sa puto bumbong. Type ko ang warm capuccino, samantalang yung iba ay iced americano o kaya frap. Nasasarapan ako pag ang cheesecake ay may lemon. Pero itong bagets ko, hindi nya type ang lemon sa kahit anong pagkain. 

So, kailan dapat paniwalaan na masarap ang masarap? Kailan hindi hype lang ang isang hype? I think, masarap is personal. Depende kung pareho ng taste ang writer at reader. I could be wrong. Pero kung di ka mahilig sa pangat, kahit anong sariwa ng isda at sarap ng luto ng pangat, hindi mo magugustuhan. At kung hindi pareho ang ibig sabihin ng masarap sa ating dalawa, sorry na lang ako. Ang mas importante nasa tama kang pila dahil alam mo kung ano ang gusto mo. Hindi ibig sabihin ng mahabang pila sa isang kainan, masarap na s’ya para sayo. 



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *